Posts

Showing posts from December, 2023

Sariwang simoy nang hangin: Ating pag masdan Ang kagandahan nang pulo, hanging bridge

Image
  Noong weekend napagpasyahan ng aking mga kaibigan na bisitahin ang lugar ng Pulo Hanging bridge. Noong una nagdadalawang isip pa nga kami dahil sa kalagayan ng panahon.  Bandang tanghali ay gumanda-ganda naman ang kalagayan ng panahon,kaya napagpasyahan namin na bisitahin ang Pulo hanging bridge para maranasan namin ang tunay na pahinga at marelax-relax naman ang aming mga isipan.  Bandang 12 ng hapon nagkita-kita kami sa aming brgy, para maihanda narin ang aming mga sarili sa lugar na aming pupuntahan. Habang kami ay papunta roon binigyan kami ng ideya ng isa naming kaibigan kung ano ang mayroon sa lugar na iyon, kami ay labis na namangha at 'di na makapaghintay na masilayan ang lugar na magsisilbi naming pahinga kahit sa maikling sandali. Ang hanging bridge ay may kalayuan din mula sa aming lugar,habang kami ay naglalakbay ay sumasabay din ang buhos ng ulan ngunit hindi ito naging hadlang,kami ay tumuloy pa rin. bandang  12:30 na kami nakarating. Ang iba pa nga s...

Tunog ng Kalikasan: Paglalakbay sa Kagandahan ng Debucao Dam

Image
 Sa isang mapayapang hapon, kami ng aking mga kaibigan ay nagtungo sa Debucao Dam sa Barangay Debucao Maria Aurora, Aurora. Bagaman malapit lamang ito sa aming barangay, pinili naming sumakay sa tricycle upang masiyahan sa biyahe at maranasan ang simpleng kasiyahan ng pagtahak sa daan patungo sa dam. Nang kami ay makarating sa dam, agad naming napansin ang kahanga-hangang tanawin ng lugar. Ang dam, na nagmumula sa malalim na kabundukan ng Debucao, ay nagdudulot ng kapayapaan at kagandahan sa amin. Bagamat ang tubig ay hindi gaanong malinaw dahil sa ilang araw ng pag-ulan, hindi ito naging hadlang upang tuklasin ang kahalagahan at ganda ng kalikasan. Sa aming paglalakad patungo sa grotto na may birhen at krus, ang lugar ay bumabalot ng espesyal na kahulugan at kakaibang enerhiya. Ang malabo at agitadong tubig ay nagdudulot ng di-mabilang na misteryo at kagandahan sa dam, na tila ba nagpapahiwatig ng mga pagbabagong nangyayari sa kapaligiran. Nakatulong din ang mga tunog ng kalikasan...

Paglalakbay sa pusod ng kasaysayan:Debucao, Isang Pagbabago.

Image
Sama-sama tayong maglakbay sa pintuan ng kasaysayan ng debucao,Isang bayan na pinatunayan ang taglay nitong lakas sa pagharap sa hamon ng buhay .Ang aming paglalakabay ay Puno ng yugto ng pag-usbong panganib at pag-asa. Sa aming pagdaan sa maliit na ilog ay siyang unang bumungad sa aming mga mata. Ang lugar na ito ay napakaganda na Ngayon at ginagawan pa itong mas maganda kaysa sa dati Hindi man ito dinarayo ng mga tao ngayun dahil ito ay Hindi pa kilala ngunit balang Araw ito ay masisilayan ng mga tao at ito ay magiging Isang napakaganda at kilalang Lugar at higit sa lahat Ang mga tanawin Dito ay napakaganda at mayron itong sariwang hanging at napaka gandang bisitihin. Noon ,parang Isang payak na kanal lamang ito na nag dadala ng tubig sa paligid. Ngunit sa paglipas ng panahon, ito'y unti-unting lumago at naging dahilan ng pag-usbong ng Brgy.  At sa aming pag lalakbay kami ay nakatuklas ng nakaraan ng tangal  na tinatawag nilang Ang padating ng mga Hamon: Ito ay sa yugto ng b...

Lakbayin ang simpleng ganda na hatid ng malawak na bukirin

Image
Ang pagpunta sa palayan o tubigan ay isang karanasang nagbibigay sa atin ng pag kakataon na makalayo sa gulo at ingay ng lungsod,at maibaling ang ating mga mata sa luntiang bukirin at malawak na lawa ng palay. Dito mag kakaroon tayo ng pag kakataon na muling makapag hanap ng katahimikan at kapanatagan sa piling ng kalikasan.                              Kilala ang Barangay Sanleonardo sa tawag na barangay kaputikan dahil dito matatagpuan ang malawak na taniman ng palay. Araw ng sabado ako at ang aking mga kaibigan ay nag desisyon na libutin ang malawak na palayan kung saan maarami kaming mag pahinga at makalayo sa pag gamit ng teknolohiya.  Una naming ginawa ay ang pag hahanda ng aming mga kailangan dalhin kagaya ng pag kain at inumin pangalawa ay ang pag susuot ng tamang kasuotan papunta sa palayan ilang minuto lang aming nilaan sa aming pag hahanda hanggang sa mapag desisyonan naming umalis at mag tungo na...

Pambihirang kagandahan ng Balete Tree o Millenium Tree

Image
 Sa mga nagdaan na araw na puno ng mga problema. Nagsabay sabay na problema sa pera, pamilya, pag-aaral, at iba pa. Kasama ang aking mga kaibigan, naisipan namin na pumunta sa isang lugar na kung saan makakalanghap ng sariwang hangin at makasulyap ng magandang kapaligiran na makakatulong upang aming pansamantalang makalimutan ang reyalidad at makahinga sa mundong ating ginagawalawan. At unang pumasok sa aming isipan ang pinakamalapit at sikat na pasyalan na pinupuntahan ng maraming turista, na nagmula pa sa iba’t - ibang sulok ng Pilipinas at ang iba ay nagmula pa sa ibang bansa. Ang pinaka malaking puno ng Balete sa buong Asya, na may lawak na higit kumulang animnapung (60) metro, taas na animnapu’t  lima (65) metro, at tinatayang edad na higit sa 600 taon ay nagbibigay ng kahanga-hangang tanawin. Mula sa aming paaralan, naglakad kami sa patag at malawak na kalsada patungo sa natatanging Balete Tree o tinatawag ding Millenium Tree ng Brgy. Quirino, Maria Aurora, Aurora na a...

Puno ng Kagandahan: Ating lakbayin ang paraiso ng Marieya Resort.

Image
Napapalibutan tayo ng isang malawak na mundo na puno ng mga gawain at mga responsibilidad na naghihintay na ating tuparin. Kaya naman minsan kailangan din nating magpahinga at takasan ang mga pasaning ito. Sa harap ng mga pagsubok at trahedya na umiiral sa mundo, mayroong isang pook na nag-aalok ng panandaliang pahinga at katahimikan— ang Marieya Resort.  Isang araw, ako at kasama ng aking mga kaibigan ay nag desisyon na magpahinga muna sa mga gawain at responsibilidad kaya nagpasya kaming mag piknik sa lokal na turismo ng aming barangay, ang Barangay Santa Lucia kung saan matatagpuan ang paraiso ng Marieya Resort. Dahil sa aming palagay mas mahalagang itaguyod namin ang aming lokal na kayamanan kaysa sa mga malalayong lugar.  Ang Marieya Resort ay kilala rin noon bilang Maracay Resort na dating pagmamay- ari ni Nancy Lacuata ngunit ngayon ito ay pagmamay- ari na ni Auril Rey Saturno Duyag. Ang resort na ito ay matatagpuan sa Purok 3, Brgy. Santa Lucia Maria Aurora, Aurora...

Silayan at damhin ang ganda ng dikaan falls

Image
  Noong isang araw, kasama ang aking mga kaibigan, kami ay nagplano na magkaroon ng isang kakaibang adventure. Sa halip ng mga karaniwang tourist spots, nais naming bisitahin ang isang hindi gaanong sikat na talon sa aming kapit-bahay na barangay na tinatawag na Dikaan Falls, ito ay isang maliit na talon at nanggagaling ito sa taas ng bundok, ang daan patungi dito a makipot at mahaba kasya din dito ang motor subalit alam namin na malakas ang agos ng tubig dito sahil umulan sa mga panahon na iyon, kaya kami ay nag pasya nalang na pag dating namin sa looban ay lalakadin nalang namin ang huling ilang metro ng daan. Nang dumating ang ika-12:00 ng tanghali, kami ay sabay-sabay na nagkita-kita sa bahay ng isa naming kaibigan. Ni isa saamin ay walang bitbit na gamit ang tanging dala lamang namin ay pera, cellphone at ang sarili namin. Excited kami na simulan ang aming paglalakbay at maranasan ang kagandahan at katahimikan ng Dikaan Falls. Sinakyan namin ang isang tricycle para makarating ...