Lakbayin ang simpleng ganda na hatid ng malawak na bukirin

Ang pagpunta sa palayan o tubigan ay isang karanasang nagbibigay sa atin ng pag kakataon na makalayo sa gulo at ingay ng lungsod,at maibaling ang ating mga mata sa luntiang bukirin at malawak na lawa ng palay. Dito mag kakaroon tayo ng pag kakataon na muling makapag hanap ng katahimikan at kapanatagan sa piling ng kalikasan.

                           

 Kilala ang Barangay Sanleonardo sa tawag na barangay kaputikan dahil dito matatagpuan ang malawak na taniman ng palay. Araw ng sabado ako at ang aking mga kaibigan ay nag desisyon na libutin ang malawak na palayan kung saan maarami kaming mag pahinga at makalayo sa pag gamit ng teknolohiya.


 Una naming ginawa ay ang pag hahanda ng aming mga kailangan dalhin kagaya ng pag kain at inumin pangalawa ay ang pag susuot ng tamang kasuotan papunta sa palayan ilang minuto lang aming nilaan sa aming pag hahanda hanggang sa mapag desisyonan naming umalis at mag tungo na sa aming pupuntahan.

Sa aming pag lalakad ay nakita namin ang ilang mga bata na masayang naglalaro sa daan makikita sa kanilang mga mukha ang simple ngunit purong kasiyahan habang patuloy kami sa paglalakad n ay napuno kami ng kwentuhan at tawanan sa ilang minuto pa ay nakarating na kami sa palayan kung saan meroong kubo na maaari naming pag silungan marami din ang aming nadaanan na mga mag sasaka na walang tigil sa pag tatanim.



Ang pagod na aming nararamdaman mula sa aming pag lalakad ay napalitan ng pag kamangha dahil hind lamang isang malawak na palayan ang tumambad sa amin kundi isang malapit na bundok na sapat na upang aming makita mula sa aming kinaroroonan.

 Mula sa maingay at magulong mundo kung saan nagbibigay sa amin ng mabigat na pakiramdam ay napalitan ng kapayapaan at kaginhawaan mula sa kaaya ayang tanawin ay naramdaman namin ang kakaibang kasiyahan. Hind na natin kailangan sa malayong lugar o pumunta sa magagandang pasyalan kailangan lang natin tuklasin ang itinatago ng ating lugar.

 Simple ngunit talagang napakaganda Hind lamang ito simpleng paglilibot sa palayan,kundi isang pag lalakbay patungo sa panibagong kaalaman Hind na natin kailangan na pumunta sa malayong Lugar o pumunta sa magagandang pasyalan kailangan lang natin tuklasin ang itinatago ng ating Lugar simple ngunit may dalang saya na tunay at talagang napakaganda sa simpleng Lugar na ito ay naramdaman namin ang pang sandaling kapahingahan mula sa ingay ng mundo.

 

 

Comments

Popular posts from this blog

Pambihirang kagandahan ng Balete Tree o Millenium Tree

Puno ng Kagandahan: Ating lakbayin ang paraiso ng Marieya Resort.

Silayan at damhin ang ganda ng dikaan falls