Sariwang simoy nang hangin: Ating pag masdan Ang kagandahan nang pulo, hanging bridge
Noong weekend napagpasyahan ng aking mga kaibigan na bisitahin ang lugar ng Pulo Hanging bridge. Noong una nagdadalawang isip pa nga kami dahil sa kalagayan ng panahon. Bandang tanghali ay gumanda-ganda naman ang kalagayan ng panahon,kaya napagpasyahan namin na bisitahin ang Pulo hanging bridge para maranasan namin ang tunay na pahinga at marelax-relax naman ang aming mga isipan.
Bandang 12 ng hapon nagkita-kita kami sa aming brgy, para maihanda narin ang aming mga sarili sa lugar na aming pupuntahan. Habang kami ay papunta roon binigyan kami ng ideya ng isa naming kaibigan kung ano ang mayroon sa lugar na iyon, kami ay labis na namangha at 'di na makapaghintay na masilayan ang lugar na magsisilbi naming pahinga kahit sa maikling sandali. Ang hanging bridge ay may kalayuan din mula sa aming lugar,habang kami ay naglalakbay ay sumasabay din ang buhos ng ulan ngunit hindi ito naging hadlang,kami ay tumuloy pa rin. bandang 12:30 na kami nakarating. Ang iba pa nga sa amin ay may karamdaman, ngunit hindi ito naging hadlang para aming lakbayin ang lugar na hindi namin akalain na gano'n kaganda. Kami ay lubos na namangha sa lugar na 'yon.
Unang pagkakataon kong masilayan ang lugar na 'yon,sabi ng aking kapatid noong kami ay nasa elementarya pa lamang kami ay naglakbay doon,dahil nga siguro sa edad ko wala akong matandaan. Nakakatuwang isipin na minsan na pala kaming naglakbay sa lugar na 'yon. Simple lamang ito ngunit napakaganda, malinis ang tubig, malamig ang simoy ng hangin at makikita mo talagang inaalagaan ito ng mga naninirahan sa lugar na ito.
Sinubukan din naming maglakad sa tulay na gawa sa bakal, noong una pa nga ay nagdadalawang isip kami dahil sa kalagayan ng tulay na ito,ngunit hindi kami nagdalawang isip na subukan ito upang maranasan din namin ang feeling na makaapak sa tulay na ito. bigla akong napaisip, ang tulay na ito ay kalawangin na, bakas na ang pagkatanda, marami ng mga taong nakaapak at nasilayan ang tunay na ganda ng lugar na ito,siguro nga ang iba pa ay bumyahe ng napagkalayo-layo upang masilayan ang ganda ng lugar na ito. Tunay ngang kay gandang manirahan sa isang probinsya,mahirap ngunit hindi mo ikakaila ang saya.
Habang kami ay nagmumuni-muni, at tinatanaw ang kagandahan ng lugar na ito, sa maikling sandali ay hindi namin naramdaman ang pagod, sakit ng katawan at stress. Bagkus ay aming naramdaman ang tunay na pahinga,pahingang hindi namin akalain na sa lugar lamang pala namin ito madarama. Sadya nga namang kahanga-hanga ang kagandahan ng lugar na ito.
Hindi namin namalayan ang oras dahil sa tuwa at galak na aming nadarama, kahit hindi ganoong napaghandaan naging worth it naman at wala kaming pinagsisihan. Paglalakbay na aming babalik-balikan, at magsisilbing magandang alala sa bawat isa.
Dito sa lugar na ito siguradong makakamtam mo ang tunay na saya, sayang hindi matutumbasan ng kahit ano pa. Pahingang hindi matutumbasan ng kahit ano. Sa lugar na ito dito ko masasabing nahanap ko na 'yung tunay 'peace'.
kaya't tayo ng lakbayin ang lugar na puno ng ganda. Simple ngunit napakaganda.
Comments
Post a Comment